pero teka. bakasyon nga ba?! sa totoo lang, dumaan ang mga nakaraang araw nang halos hindi ako nakakapagpahinga. hindi ako nakakalagi sa bahay.. hindi nakakanood ng sine.. hindi nakaka-gimik at hindi nakakalibot sa mga bagong lugar. bakit? dahil kung kailan walang pasok, saka naman nagsunud-sunod ang mga gawain namin sa ministry :p
maraming kailangang araling mga kanta. at medyo mahirap pang kabisaduhin ang mga tono. sa totoo lang, napapanaginipan ko na nga na may quartet kami (at isang beses, nagising ako na kumakanta ako! yikes!).
enjoy naman ang practice. masaya (lalo na kung panay tulad naming mga kalog ang nandodoon, haha!). pero minsan syempre, nakakapagod din sa katawan. hindi biro ang kumanta mula umaga hanggang hapon (totoo ‘to - dalawang araw kaming nag-whole day practice!). kaya nga saludo ako sa mga kasama ko sa ministry. mga nilalagnat, inuubo, masakit ang ulo, walang boses.. pero pumupunta pa rin para mag-practice (at hindi pa suspended ang mga pasok ng mga ‘yan ha!)
hayy. nakakahilo na ‘ata talaga ang schedule namin. pero sa totoo lang, pagdating ko sa bahay, nawawala lahat ng pagod ko :) kulang man sa tulog.. hilo at masakit ang lalamunan.. basta pag-uwi ko, nakakaramdam ako ng malaking ginhawa :) dahil pagdating ko sa amin, alam kong makakasama ko na ulit ang mga taong pinakamahal sa akin. at alam kong natutuwa silang nakabalik na ako. kaya may lakas ako para makipag-kwentuhan, makipagbiruan, tumulong nang kaunti sa mga naipong trabaho (tsk tsk.. hirap ng walang kasambahay!!). in short, tanggal talaga ang pagod :) sabi nga ng beatles..
“it’s been a hard day’s night and i’ve been working like a dog / it’s been a hard day’s night. i should be sleeping like a log / but when i get home to you / i find the things that you do / would make me feel all right..”
sana kaya rin nating sabihin ang mga katagang ito sa Diyos, ‘no? sana masasabi rin natin sa Kanya na kahit anupaman ang nangyari sa araw natin.. kahit gaano ka-busy tayo.. kahit masama ang pakiramdam natin, basta’t nakasama natin Siya, napapawi ang lahat ng pagod. at nagiging masaya ang buhay :)
* * *
Panginoon, marami po kaming mga alalahanin. abala po kami sa trabaho, sa mga gawain sa community at sa pagsisilbi sa aming mga pamilya. sana po, sa lahat ng ginagawa namin, makita namin ang Inyong mukhang nagagalak sa aming mga alay. dahil makita lamang namin Kayong nakangiti ay sapat na upang mapawi ang pagod at mabigyan kami ng panibagong lakas upang magsilbi at maglingkod sa Inyo :) amen.
No comments:
Post a Comment