panginoon ituro mo ang landas ng pagmamahal
maging bukas ang palad sa pagtulong sa kapwa ko
turuan mong sarili ko’y ialay para sa ‘yo
tulungan mong maglingkod sa ‘yo
hirap ma’y danasin ko
sapagka’t tanging sa kapwa lang makikita’ng
pag-ibig mo
at sa paglilingkod may saya sa puso ko
22 abril 2008. makabuluhan ang araw na ito para sa 93 na mga mag-aaral na magsisipagtapos mamayang hapon. kaninang umaga, ginanap ang kanilang baccalaureate ceremonies sa paaralan.
alas sais nang umaga, nasa paaralan na sila. nagkukuwentuhan, nagkakatuwaan at siyempre, nagkokodakan ü ang mga estudyante kong laging nahuhuli sa alas-otso na klase nila sa matematika, hayun.. nauna pa sa aking dumating sa kampus ü
ako naman, gumising nang alas kwatro y media. nagmadaling maligo, magpaganda (haha.. kailangan eh :p) at mag-ayos ng sarili. dala-dala ko ang camera, ang recorder, mga lyric sheet at mga kopya ng babasahin bagamat kulang sa tulog, di pa kumakain ng agahan at maraming kailangang asikasuhin, masaya kong binati ang mga bata. dahil alam kong minsan lamang sa buhay nila magaganap ang ganitong okasyon. at ako naman, na di lamang kanilang guro kundi kaibigan na rin, ay nakikiisa sa kanilang kagalakan ü
inaamin ko, hindi sa lahat ng pagkakataon ay madali para sa akin ang maging masaya. madalas, lalung-lalo na ngayong summer na napakaraming mga gawaing naghihintay na mapagtuunan ng pansin. kadalasan ay ‘di ko na nakukuhang ngumiti; minsan nga ay nasusungitan ko ang ilang mga kasama ko - sa trabaho, at pati na rin sa community.
ngunit ngayong umaga, nagpapasalamat ako sa panginoon dahil pinadama ulit niya sa akin ang kasiyahang bunga ng paglilingkod. naniniwala akong hindi lamang sa simbahan at sa community maisasagawa ang paninilbihan sa kanya. sa ating mga opisina.. sa ating mga pamilya.. at sa lahat ng mga taong ating nakakasalamuha.. tayo ay maaaring maglingkod sa kanya ü
maraming salamat, panginoon, dahil ipinakita mo sa akin ang iyong pagmamahal sa ngiti at nagniningning na mata ng mga taong pinagsisilbihan ko. tunay ngang sa paglilingkod ay may saya.. basta’t narito ka sa puso ko ü
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment