Wednesday, July 9, 2008

hanggang

ilang ulit mo nang itinatanong sa akin / kung hanggang saan / hanggang saan, hanggang kailan / hanggang kailan magtatagal / ang aking pagmamahal..

* * *
parang ang gandang pakinggan.. nakakakilig marinig ang mga katagang ito :) nakaka-in-love, ika nga, hehe. ang sarap siguro ng pakiramdam kung may kakanta sa iyo nito, di ba? naalala ko tuloy ‘yung kwento ni bro obet at kung paano niyang hinarana ang misis niya, hehe.. :)

tayong mga pilipino ay likas na romantiko. at di lamang romantiko. tayo ay mga taong mahilig sa musika at awit. likas sa atin ang magpahayag ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagkanta. madaling maantig ang ating mga damdamin tuwing nakakarinig tayo ng mga awitin tungkol sa pag-ibig. ilan sa atin ang napapa-hayyyy tuwing inaawitan tayo ng ating mga minamahal? (hehe.. aminin! :p)

bihira nating naiisip ito, pero ang panginoon din ay mayroong mga awit ng pag-ibig para sa atin. hindi lamang sa bibliya matatagpuan ang kanyang pahayag ng pagmamahal, kundi sa mga tao at bagay na nakapaligid sa atin sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

hanggang may himig pa akong naririnig / dito sa ating daigdig / hanggang may musika akong tinataglay / kita'y iniibig / giliw huwag mo sanang isiping / ikaw ay aking lilisanin / di ko magagawang lumayo sa 'yong piling / at nais kong malaman mo / kung gaano kita kamahal

naisip niyo na ba na maaaring inaawitan tayo ng ating panginoon habang pinakikinggan ang kantang ito?

hanggang saan nga ba ang abot ng pag-ibig niya para sa atin? at hanggang kailan niya tayo maaaring mahalin?

“sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng diyos..” rom 8:38-39

ang pag-ibig niya sa atin ay hanggang sa walang hanggan :) hindi ba nakakakilig itong isipin? :)

No comments: