“Minsan pa ulan bumuhos ka’t
H’wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo”
pero, parang nananadya naman ‘yung panahon nung mga oras na ‘yon dahil *napakainit* ng sikat ng araw!! sabi pa naman nila, tapos na tapos na talaga ang summer. hayy. ayoko kasi talaga kapag maaraw - napapaso ang balat ko at lagi akong nasisilaw. kaya naman kaninang umaga, habang papasok ako at naramdaman ko ang napakatinding init, naglambing ako kay Lord. sabi ko, “Lord, alam mo namang ayoko ng ganitong mainit.
sa dami ng pinagkaabalahan sa trabaho, nawala na sa isip ko ‘yung lambing ko kay Lord pagdating ng tanghalian. hanggang.. nung kakain na kami nung kaibigan ko.. nakarinig ako ng malakas na kulog. at pagtingin namin sa labas ng bintana, ang dilim-dilim ng langit! hahaha.. tapos maya-maya lang, umuulan na nang malakas ü
kaya bumulong lang ako ng maikling “thank you” kay Lord bago kumain. simpleng lambing ko lang naman ‘yon.. isang simpleng request na nakalimutan ko nang hiniling ko sa Kanya. pero pinakinggan Niya. nakakataba ng puso ü
ang sarap talagang isipin na lagi Kitang kasama, Lord. nakakatuwang malaman na dinidinig Mo hindi lang ang mga “mabibigat” at “seryosong” panalangin ko.. kundi pati ang mga maliliit na lambing ko sa Iyo ü totoo ang sinasabi nung kanta:
“Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling Ka”
No comments:
Post a Comment