18 years old ako nung sumali ako sa music ministry. Bagong member lang ako ng Rivers noon.. wala pang isang taon sa community (iba pa ang mga rules dati eh.. halata bang sobrang tagal na nun?! haha!) Pero dahil mahilig akong kumanta, naisip kong sumali sa choir.
Mula sa audition.. hanggang sa pag-attend ng mga practice.. at sa pagkanta-kanta sa misa at prayer meeting.. lagi akong may kaba noon. Pakiramdam ko lahat ng mga kasama ko ang galing-galing magtanda ng tono.. at confident nang kumanta sa mic.. tapos ayun ako, hindi man lang mailakas ang boses.
Pero unti-unti, naging at home naman ako sa music ministry. Naenjoy ko ang practices at nagkaroon ng mga close friends sa ministry. Natutunan kong bigyan ng halaga ang disiplina - mula sa pagdadala ng required na recorder/tape, lyrics/clearbook hanggang sa pagdating nang maaga sa practice.
May mga bagay rin akong nadiskubre tungkol sa sarili ko habang nagse-serve ako sa loob ng music ministry. Nalaman ko na mabilis pala akong mag-memorize ng mga kanta. Nae-enjoy ko pala mag-type at mag-file ng mga lyrics. At kaya ko rin palang i-appreciate ‘yung kakaibang tono na pinapakanta sa aming mga alto, hehe :p
Sa mga taong inilagi ko sa music ministry, natural lang na hindi panay saya na lang ang pinagdaanan ko. May mga nakatampuhan ako.. nakasigawan.. naiyakan.. kinainisan. Pero matapos ang 12 years, nandito pa rin ako. Hindi nagsasawa at hindi napapagod.
Bakit? Siguro kasi masasabi ko na dito sa ministry na ito ako nag-grow nang husto. ‘Yung mga teachings tungkol sa mga pinagdadaanan sa community.. pakikisama sa mga tao.. commitment.. dedication.. service sa Diyos.. lahat ‘yan na-experience ko sa ministry service. Hindi nga puro sarap at saya. Pero ‘yung mga experience na akala ko sobrang hirap at sobrang masakit.. ngayong natapos na, na-realize ko na ginamit din ni Lord para ma-improve ako :)
So. Ano nga ba ang meron sa music ministry? Saya. Hirap. Pagdidisiplina. Pagsasamahan. Tawanan. Iyakan. Pagsisilbi.
Maraming mga kuwento. Abangan na lamang ang mga susunod pa.. :)
No comments:
Post a Comment