“Suspended daw ang klase mula elem hanggang college!” Ang balitang ‘yan ang gumising sa akin noong Biyernes. Tumingin ako sa labas ng bintana. Teka. Wala namang bagyo. Bakit kaya walang pasok? “May coup attempt daw sa Malacanang.” Ah, ok. ‘Yun ulit?! Parang nangyari na ito dati..
Hindi naging maganda ang mga nagdaang araw. Pagbukas ng TV, nakakabagabag ang mga mapapanood: mga nagpoprotestang ralyista, mga pulitikong nang-aaway, mga sundalong humihingi ng proteksyon mula sa mga tao, at kung anu-ano pa. Ano na ba ang nangyayari sa bayan natin?!
Tila deja vu lahat ng mga pangyayari. Napagdaanan na natin ito, makailang beses na.. simula pa noong panahon ni Cory.. hanggang sa Oakwood. At parang hindi na tayo natuto. Hindi na tayo nadala. Hindi na tayo nahiya.
Nakakalungkot isiping ganito ang nangyayari sa bansa natin. Hindi pa man nakakabangon mula sa trahedya sa
Naisip ko tuloy, napaka-angkop na ngayon ang simula na ng Mahal na Araw. Ash Wednesday. Panahon ng pagsisisi. Panahon para lumapit sa Diyos at alamin kung ano ang Kanyang mensahe sa bawa’t isa sa atin. Panahon ng mataimtim na pananalangin - hindi lamang para sa sarili, kundi para sa bayan. Panahon upang baguhin, hindi lamang ang gobyerno, kundi higit sa lahat, ang ating mga sarili. Tunay ngang marami tayong dapat ipagdasal ngayong Mahal na Araw.
Deja vu.
No comments:
Post a Comment