hindi ako sanay matulog nang gabi. lagi akong maagang matulog. ay.. mali.. hindi pala. lagi pala akong umaga kung matulog, hehe :p
ewan ko nga ba. kahit gaano ako kapagod, at kahit gaano ako inaantok, hindi pa rin ako makatulog nang mas maaga sa alas dose nang madaling araw. humiga man ako nang alas diyes, hindi titigil ang utak ko sa kaiisip hanggang hindi pa nagmamadaling-araw.
mahirap ang magkaroon ng insomnia :( isipin mo, pagod ang katawan mo at pagod ang isip mo pero hindi ka makapagpahinga. naisin mo mang mahimbing, hindi mo naman magawang matulog. at siyempre, isa sa pinakamahirap para sa isang insomniac tulad ko ay ang nakakabibinging katahimikan. siyempre, kapag madaling-araw, wala kang makakausap. haha, siguro kahit ang pinakamatalik mong kaibigan ay hindi papayag na makipag-usap sa ‘yo sa telepono (o makipag-text) magdamagan nang pitong araw sunud-sunod para lang antukin ka.
naisip ko tuloy minsan, paano kaya ang diyos? hindi kaya siya napapagod? sa dami ng mga panalanging naririnig niya mula sa atin araw-araw, gabi-gabi.. hindi ba siya naiirita?! haha.. ako nga, kapag nagkukulang ako sa tulog nang sunud-sunod na araw, halos ‘di na maipinta ang mukha ko. pa’no pa kaya siya, na pirmi nating kinukulit dahil sa mga “unanswered prayer” natin? bakit nga ba hindi nagpapahinga ang diyos?!
hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ipinapahinga ng diyos ang kanyang mga tenga sa ating mga dasal. hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang walang-patid niyang pagpapasensya at pag-uunawa. hindi ko rin maintindihan kung bakit pakiramdam ko, natatawa siya sa akin habang tinatanong ko ang mga bagay na ito (totoo.. tumatawa siya ngayon, hahaha).
basta ang alam ko, nagpapasalamat ako’t parati siyang gising :) dahil sa mga pagkakataong wala akong makausap o makasama, nakakagaan ng isip at kaloobang malaman na nandiyan lang siya sa tabi ko. nagbabantay, nakikinig, dumaramay at oo.. minsan.. tumatawa :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment